Unang Trabaho
Posted in Ang saya saya!, Chuvaness, Halo Halo, Pararapara on 06/10/2009 08:08 pm by FiaGaya naman ng nasabi ko sa isa kng blog, natanggap ako sa trabaho. Ang unang linggo ko ay napuno ng orientation sa iba’t-ibang department ng kompanya. Walong araw yung orientation and ngayon ang panghuli ko. Masaya naman sya, pero pakiramdam ko nasunog ako dahil pinalakad nila ako sa ilalim ng galit na araw. Hindi lang yun, halos araw-araw pa ako sa beach. Oh di ba, bongga? Sinong hindi maluluto nyan? Ngayong parating na Lunes, magsisimula na training ko kasama ang Marketing head ng kompanya. Manila office kasi yun assigned and balita ko sobrang workaholic pa. Nagkausap na kami and okay naman sya. Pero sakaling ibabaon nya ako sa trabaho, naghanda na ako ng stresstabs and multivitamins, at syempre, isang malaking pack ng kape. :S


